Sunday, October 19, 2014

Ang kwentong Street Food ko

Pinoy Street Foods o ang mga pagkaing madalas makita na itinitinda sa kalye sa maliliit ng tindahan o minsan naman ay sa bisikleta. Ang street foods ay binubuo ng iba’t ibang uri ng hindi mga kamahalang pagkain na ang pagkakaluto ay prito at ihaw. Manok at baboy naman madalas ang karne na makikita sa mga tininda. Manok? Baboy? Prito? Ihaw? Napakasarap nga namang pakinggan pero ipapakilala ko kayo sa iba’t ibang pagkaing kalye ng mga pinoy.

Kilalanin natin ang ilan sa mga pagkain napapabilang dito. Isaw, inihaw na  bituka ng manok o baboy. Betamax naman ang tawag sa dugo ng manok na inihaw at masarap sa sukang maanghang. Kwek-kwek ay yung itlog ng pugo na naka balot sa “orange batter”. Ang fishballs na puting bilog ay isa sa mga klasiko sa mga street foods na hanggang ngayon ay hindi parin nag mamahal ang presyo. Banana-cue isa rin sa mga paboritong meryenda ng mga pinoy ang saging na prinito na may kasamang asukal na pula at tinuhog sa stick.

Mahilig ka ba sa Street Foods? Kung oo ay parehas tayo dahil isa ito sa mga uri ng pagkain na aking kinalakihan dito sa tirahan dahil ako ay laging siyudad at walang probinsya. Maraming alala ang kayang maibalik ng street foods sa akin dahil natuto ako kumain nito sa murang edad pa lamang dahil napaka raming naglalako ng pagkain sa aming kalye at madalas ito ang aking meryenda sa hapon.

Napapansin ko lang na maraming mga banyaga na rin ang nakaka tuklas ng pagkaing pinoy bahagi na rin dito ang pinoy street
foods di na natin sila siguro masisisi kung hindi nila tanggap ang ilan dahil sa lasa at itsura ng ibang pagkain. Natutuwa din naman ako dahil may mga taong nag bibigay pansin sa mga ganitong tipo ng pagkain at niluluto sa mga restawran at ginagawa pang mas espesyal.


Magpa-hanggang ngayon pa man din ay binabalik balikan ko parin ang street foods pero hindi na tulad noon na halos araw araw dahil aminin na natin minsan hindi rin talaga ganon ka ligtas ang pagkain ng street foods ngunit masarap parin talaga at naging parte na din ng ating kultura ang ilan sa mga pagkaing ito.  Kung ako’y tatanungin nyo ang mga paborito kong street foods ay Kwek-kwek, Isaw ng baboy, banana cue, turon, fish ball, kikiam at marami pang iba. 

No comments:

Post a Comment